Ano ba ang panitikang
mediterranean? Ang Panitikang
Mediterranean ay nasimula sa simpleng larawan na nagging simpleng komunikasyon
hanggang nagging likhang sining at panitikan na pinapaniwalaan na nagbago sa
kasaysayan ng mundo. Madaming bansa na naka impluwensya sa panitikang Mediterranean.
Mga akda sa Pampanitikang
Mediterranean ay mitolohiya ng Roma, sanaysay mula sa Greece, nobela at
maikling kwento mula sa France, Epiko ng Mesopotamia o Roma, tula mula sa Egypt.
Mitolohiya
ng Roma
Ito ay kadalasang
tungkol sa politika o sa mga batas ng kanilang diyos at diyosa. Kung hindi nyo pa ito gaanong naiintindihan ito sila Zeus, Athena, Aphrodite at madami pang iba. Ito ay nakuha nila sa Greece noong sinakop nila ito at ito ay kanilang nagustohan kaya’t ito ay kanila ibinahagi ito ng husto.Ginawa nila ang mga diyos
at diyosa nito ayon sa kanilang mga paniniwala at kultura. Binigyan nila ng mga
pangalan at binigyan ng katangian. Sinikap nila itong maipasok sa kasaysayan.
Sanaysay mula sa Greece
Isa sa mga sanaysay ng
Greece ay ang “Alegorya ng Yungib” ni Plato. Ayon kay Plato, ang mga tao ay
parang nasa isang kweba na nakatinikala at nakaharap sa dingding ng yungib na
may apoy sa likuran upang Makita natin ang mga bagay sa labas ng kweba, at
dahil dito kailangan nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kweba upang Makita
ang katotohanan sa mga bagay bagay.
Nobela at maikling
kwento mula sa France
Alam na natin o
pamiliar na sa atin ang nobela at maikling kwento. Isa sa mga nobela ay ang
Kuba ng Norte Dame ni Victor Hugo noong 1831. Ito ay naganap sa Norte-Dame Cathedral
ng paris, Umiikot ang kwento ni La Esmeralda at Quasimodo, ang kuba ng
Norte-dame. Madaming naging teatro, pelikula at telebisyon.
Ang maikling kwento ay “Ang Kwintas” ni Guy de Maupassant, ito nakilala dahil sa “bitin” nitong wakas. Tulad ng Norte-dame ito rin ay madaming naging pelikula teatro at telebisyon.
Ang maikling kwento ay “Ang Kwintas” ni Guy de Maupassant, ito nakilala dahil sa “bitin” nitong wakas. Tulad ng Norte-dame ito rin ay madaming naging pelikula teatro at telebisyon.
Epiko ng Mesopotamia
Isa naman sa mga epiko
ng Mesopotamia o Iran ay ang Epiko ng Gilgamesh ito itinuring na isa sa pinaka
tanyag na unang akdang pampanitikan sa buong mundo. Ito ay limang tulang Sumerian
na pinagsama-sama.
Tula mula sa Egypt
Isa sa mga tula ng
Egypt ay ang “tinig ng ligaw na Gansa, ito ay naisulat ng Bagong kaharian ng
sinaunang Egypt. Ito ay panahon ng pagpapalawak ng Empire ng Egypt at panahong
napakasopistikadong pag- usbong ng kultura nito.
Paghahambing
Ano ang pagkakaiba ng
Panitikang Mediterrean at panitikang Pilipino? Bago yan ano muna ang panitikang
Pilipino. Ang panitikang Pilipino ay umiiral at umuunlad sa katutubong
panitikan. Ito rin ay tinatawag na Panitikan ng Pilipinas at Panitikang ng
Filipino dahil iba’t iba ang wika ng Pilipino. Kabilang dito kwentong bayan,
Maikling kwento, balagtasan, tula, dula, nobela, drama, parabula, bugtong, salawikain,
alamat, awiting bayan at iba pa.
Ang pagkakaiba ng
panitikang Mediterranean at panitikang Pilipino ay ang Panitikang Mediterranean
ay mula sa iba’t ibang bansa samantalang ang panitikang Pilipino ay
naimpluwensyahan lamang ng ibang bansa lalo na ng Espanya na galing din sa Mediterranean.
Ngunit mayroong galing din sa atin katulad ng Balagtasan. Ang panitikang Mediterranean
ay isa sa mga bansa na katulong makaunlad sa panitikan ng pilipinas.
Importansya ng Panitikan
Importansya ng Panitikan
Ang importansya ng
panitikan ay para mapaunlad ng kaisipan ng mga tao sa sining o sa pagiging
malikhain. Ito rin ay nakatulong sa imahinasyon ng mga tao. Ang panitikan ang isa
sa nagbago sa kasaysayan ng mundo at sa pagiisip ng tao. Isa sa mga kailangan pag-aaral ng mga tao ay panitikan dahil malaki ang mai-aambag nito sa atin. Isa ito sa bumubuo ng ating pagkatao dahil sa mga paniniwala at kultura na ibinibigay nito gamit ang pelikula at mga istorya na ibinibigay ng panitikan.
Sources:
https://brainly.ph
https://www.slideshare.net
https://documents.tip
https://prezi.com
Thank you.
Divina Vizconde
10- Reverence☺
Sources:
https://brainly.ph
https://www.slideshare.net
https://documents.tip
https://prezi.com
Thank you.
Divina Vizconde
10- Reverence☺